Huwebes, Hulyo 12, 2012



             Talambuhay ng Aking Pamilya  
    Ito ay simbolo ng aming Talambuhay.   Itong larawan na ito ay mga larawan ng aking Pamilya.

             Bago po ako magsimula sa aking kwento ipapakilala ko muna ang aking sarili. Ako po si Charmine M. Tano , labing pitong gulang at malapit na po akong mag lalabing walong gulang ngayong Hulyo dalawangpo't isa. Nakatira po ako sa isang probinsya ng Danao. Ngayon ay pansamantalang nakatira po ako sa aking kapatid dito sa Lapu-Lapu City. Kasi po nag-aaral ako dito nang kolihiyo.

                  Ipapakilala ko muna ang aking pamilya. Ang pangalan ng aking ama ay Cesario Tano. Aking ina naman ay Carmen Martel Tano. Sila po ay may walong anak kasama na ako don. Ang mga pangalan ng aking mga kapatid ay sina : Crisaldo, Ricarte, teddy, Generoso, Filomina, Cesario Jr., Crusito at ako. Ako ang pinakabunso nila. Dalawa lang kaming babae sa aming pamilya at anim ang lalake. Ang mga kapatid ko ay mayroon nang mga asawa dalawa nalng kaming hindi pa nakapag asawa. Ako at ang kapatid kong lalake, siya ay hindi nakatapos nang hyskol dahil palagi nalang nagkakating klases. Ang iba sa mga kapatid ko ay hindi pa nakasal. Bawat sa amin ay may ambisyon sa buhay pero hindi ko alam kong anu-ano ang kanilang mga ambisyon, ang alam ko lang ay sa akin. Ang ambisyon ko lang po ay makatulong sa kanila at ilagay sa marangyang buhay at hindi lang yan ang ambisyon ko sa kanila may marami pa. Bakit ganyan ang ambisyon ko? kasi ako lang po ang nakapag-aral nang kolihiyo at gusto ko po paaaralin ang aking mga pamangkin. Gusto ko rin matupad ang ambisyon ng aking ama. Kahit isa siyang lasinggero. Kahit lasinggero po siya mahal na mahal parin po namin siya. Sa ngayon ay wala pa po siyang trabaho nandoon lang po siya sa bahay ng kanyang kapatid. Doon ay tumutulong siya sa mga gawain doon. Ang aking ina ay nasa bahay lang sa Danao nag-aalaga ng aking mga pamangkin. Dahil ang mga ama't ina nila ay nagtatrabaho para mabili nila ang mga gusto ng kanilang mga anak.

                 Ang aming Pamilya ay may maraming pinagdaanan na problema at problema ngayon. Kadalasan problema namin ay tungkol lang sa isang "PERA". Kadalasan naman ay ang aking "AMA". Bakit? Kasi ang aking ama ay palagi nalang lasing kung umuwi at kaunti nalang ang binibigay na pera saking ina. Dahil inuna ng aking ama ang paglalasing bago kami. At yan rin ang palaging pag-aawayan nila.

                Ang nagpapa-aral lang ngayon sakin ang aking pangalawang kapatid. Siya ay nagpapakahirap sa ibang bansa para makapag-aral ang kanyang mga anak at ako. Tiniis niya ang lungkot para lang saming lahat. Hanggang ngayon ay nandoon parin siya. Namimis na namin siya. Parati akong nagdadasal sa kanyang kaligtasan at gabayan siya sa kanyang mga ginagawa araw-araw.

               Ito lang muna po ang kwento ko kasi kapag pinapataas ko pa baka hindi magkasya lahat-lahat ng kwento ko. Marami pa sana akong ikikwento sa buhay namin. hehe. Maraming salamat po sa pagbabasa. Sana magustuhan niyo ang kwento ko ngayon.
              Maraming salamat po at God Bless Always                 
                 Ang aming Pamilya ay may maraming pinagdaanan ng mga problema at mga problema ngayon. Kadalasan ang problema namin ay tung.
                                                       GOD IS WITH YOU......

1 komento:

  1. Bally's launches new casino, BetMGM, in Maryland
    Bally's Maryland already has four locations 강릉 출장샵 in the casino in the 태백 출장샵 state, the 수원 출장안마 first two at the resort hotel and the 김해 출장마사지 second at 충주 출장마사지 the resort

    TumugonBurahin